"Careful what you wish,
you may regret it,
Careful what you wish,
you just might get it."
- "King Nothing", Metallica
Ang mga salita sa sikat na kanta na ito ang patuloy na naririnig ng utak ko habang sinusulat ko ito. Dahil itong mga salita na ito ay angkop na angkop sa nangyayari sa akin ngayon.
Kung maaalala ninyo, matagal na akong gumagawa sa game. Iyon ang pinagkakaabalahan ko ngayon dito sa opisina. Kasi yon ang binigay sa akin na gawain. Ilang buwan na yan. At natural lang na ma-miss ko ang pag-gawa ng commercial. Kasi medyo paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa games.
Hindi sa ayoko ko na sa games. Masaya pa rin doon. Ibang skill set ang natututunan at nagagamit ko sa games at iba rin sa commercial. Kaya di rin naman ako talo kahit ano gawin ko. Basta maka-gawa ako sa 3D at mahasa ko pa sarili ko.
Ngayon ako ay matutulog sa opisina. Matagal ko na itong hindi nagagawa. Ayos lang naman. Akala ko matatapos ko ang pinapagawa. Kaso di ako masaya sa gawa ko kaya nilinis ko pa. Ginabi. Sira pa naman ang Mazda. Kaya matutulog na lang ako dito. Magpapadala na lang ako ng damit bukas sa aking ina pagpasok niya sa opisina.
Natapos ko na ang dapat ko gawin ngunit yung para sa game ay itutuloy ko na rin. Matapos ko magsulat dito. Bakit? Ayoko na gabihin mamaya (ang oras ngayon ay 12:52am kaya ibig sabihin Huwebes na ng umaga... madaling araw) at gusto ko rin naman magpahinga at maglaro ng PS2. O kaya'y manood ng DVD.
Marami akong natututunan ngayon. Dahil nga sa commercial. Kailangan magaling ka talaga sa diskarte pagdating sa commercial. Kasi kung hindi malalagot ka dahil sa mga deadline. Parang ngayon. Kaninang mga 4pm may binigay na mga revisions ang direktor ng commercial na ginagawa ko. Tinanong kung puwede ba bukas ng tanghalian matapos. Kaya naman, nagkamali lang ako sa paghula kung anong oras ko matatapos.
Pero ako rin may kagagawan nito. Kasi kanina ang dami kong maling nagagawa. Hindi ko alam kung dahil sa pagmamadali o katangahan o complacency. Kaya minabuti kong bagalan ang trabaho ko. Sinigurado ko na tama ang ginagawa ko.
Kaya ayan, andito ako ngayon sa opisina. Dito matutulog. Pero anong masama doon? Oo, di nga ako makakatulog ng mahimbing. Pero ayos lang. Ako rin naman ang naghanap nito e.
Out.
sweet dreams pre. hehe ;p
ReplyDelete