Maraming bagay na dapat di na pinapansin. Mga bagay na paminsan-minsan ay hinahayaan na lang. Mga tanggap na ng karamihan na karaniwan na sa araw-araw na gawain. Tama. Sige. Kung saan pupunta ang alon doon ako pupunta. Going where the wind blows.
Napansin ko lang, kahit na dapat hayaan ko na lang, na ibang klase talaga ang Pilipino. Ibang klase sa pagka-dupang. Sa pagka-bwakanangina. Pinakamagandang halimbawa ay ang mga Pilipinong motorista.
Ganito lang naman yon e, kaya tayo may batas trapiko para hindi magkabuhol-buhol ang mga kalsada natin. Para di tayo mahirapan at maperwisyo sa ating mga biyahe. Abante. Liko. Pulang ilaw. Tigil. Berdeng ilaw. Takbo. Dilaw na ilaw. Bagal. Preno. Iwas bangga.
Pero hindi ito puwede sa atin. Kasimpleng bagay lang. Kung dederetso ka pumila ka sa tamang linya. Ba't kailangan pairalin ang kagulangan ng tao at dadaan ka sa kalsadang para sa mga kakanan, tapos biglang kakabig ka papunta sa gitna para mauna ka? Ayaw mong maabala? Pakialam mo sa mga naaabala dahil sa kabobohan mo?
HOY! PINOY AKO!
Echepuwera sa mga ibang tao, ako dapat mauna. Lahat ng tao dapat makining sa batas, pero ako 'di kailangan. Kapag siningitan mo ang swapang, iisipin niya ay bastos ka at dapat ay makinig ka sa batas trapiko. Pero kung siya ang gagawa noon, ayos lang pare ko. Bwakanangina ka.
HOY! PINOY AKO!
Sige, maganda kotse mo. BMW, Honda Civic, 18-inch rims, maingay na tambutso. Lancer EVO 6. M3. F150. Tapos dadaan ka sa right lane para kumaliwa. Galing. Dupang. Pinoy. Ang yabang mo nga mas tanga ka pa sa driver ng jeepney. Mas suwapang ka pa sa kanila. Mas malala ka pa sa kanila.
Bakit? Kasi may kaya ka. May napag-aralan ka. Edukado ka (di sa iniinsulto ko mga "masa" kasi ang common sense naman ay di napapag-aralan at kahit sino puwede magkaroon nito) nga pero di mo naman ginagamit. Pinoy ka nga.
Dito kaunti lang ang nakikinig sa batas trapiko. Karamihan sugapa, suwapang. Pero pagtungtong sa ibang bansa, akala mo di pa nagkakasala ni isang beses sa buhay niya.
HOY! PINOY AKO!
Kay sarap maging Pinoy.
Di ko naman kinakahiya maging Pinoy. Nanghihinayang lang ako at sayang ang ating identity. Sayang tayo. Pagtatawanan (pinagtatawanan?) tayo ng ibang bansa kung ipapagpatuloy natin ito. Pero paano ito titigil e wala na rin atang may pakialam?
Ewan.
Basta, HOY! PINOY AKO!
Ikaw na bahala kung paano mo iintindihin ang sinulat ko.
There's so much more to being Pinoy than what you've written. Sadly, though, these are the things we Pinoys are known for.
ReplyDeleteHell, I admit, I've driven on the reckless, even far side of stupity's end at one time or another, but some people are just waaaay waaaaay out there. You'd think mga stockholder ng putanginang kalsada kung umasta ang ibang motorista from the way the occupy 2 lanes or how slowly they drive on the friggin' fast lane (dito lang sa 'Pinas mas mabilis ang slow lane kaysa sa fast lane) or how the cut across other vehicles and shit.
I think I mentioned before how handy a bazooka or any sort of projectile-launching weapon would be to have in one's vehicle:pag may kupal sa kalsada, barilin mo na lang.
Oh,haven't you people heard? Obeying the law in the Philippines is optional.
ReplyDeleteThat's what's so great about this country. You can be an anarchist or a law abider...it's all up to you!! And,not only that,you can change your choice anytime! Isn't it so great?
Astig!