Thursday, April 21, 2005

Bumaba ka sa Bundok

Kagabi dapat uuwi ako kasabay ng magulang ko mula sa aking trabaho. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang bagay, di ako nakasabay. Sa totoo, medyo ginusto ko rin na mamasahe pauwi. Matagal-tagal ko na rin itong di nagagawa.

Gaano katagal, 'kamo? Sabihin na lang natin na mula nang matuto ako magmaneho ay medyo tinamad na ako gumamit ng pampublikong sasakyan. Natututo ako magmaneho pagtungtong ko sa kolehiyo. Natapos ako ng hayskul sa taong '98.

Sabihin na rin natin na medyo di na ako sanay mamasahe. Napaakyat uli ako sa aking ivory tower, ika nga ng ibang tao. Buhay elitista uli. Wala na sa Naga, balik Maynila. Akyat uli sa tore. Maging manhid sa kahirapan na pumapalibot sa akin. Masayang bumibiyahe sa loob ng kotseng nakabukas ang aircon.

Bakit biglang pumasok yon sa utak ko, ang mamasahe pauwi ng alas-onse ng gabi? Wala lang. Isang spur of the moment decision. Trip lang. Tara, biyahe tayo. Ayos. Saya. Kaba. Takot. Tuwa.

Sumabay ako sa aking kaopisinang si Kemikal. Naglakad kami mula opisina hanggang sa bandang Estrella.

Para sa mga 'di nakaka-alam, si Kemikal (o Kem) ay nakatira sa Laguna. Araw-araw bumibiyahe ng bus. Kahit anong oras.

Kung tutuusin ay ang babaw ng rason ko sa pagsakay ng bus. Gusto ko lang makaranas ng iba sa buhay ko. Kababawan. Ang isang bagay na normal lang sa buhay ng isang tao ay kakaiba na sa akin. Pagsakay lang ng bus, isang gawain na normal sa mga taong walang kotse (o motor). Pero kung sa inyo mababaw ito, sa akin hindi. May mga bagay akong gusto gawin na ang makakaintindi lang ng rason sa pag-gawa ko ay sarili ko.

Matagal-tagal na rin kasi akong di nakaka-biyahe sa bus. Salamat sa Diyos wala namang masamang nangyari sa akin. Kasi hatinggabi na ako nakauwi.

At ano naman ang masasabi ko sa aking ginawa? Wala. Ayos lang. Nagawa ko. Gagawin ko ba uli? Siguro. Dapat bang ikatuwa ko ang nagawa ko kagabi? Aba'y siyempre. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pa mamasahe.

2 comments:

  1. One of the great thrills of Philipine Society... public transportation. Haha... I think the fucking bus drivers and jeepney drivers and even pedicab drivers arestock-holders of all roads and thoroughfares of the frikken country... Damn things are all over the place like they fucking own them roads. Someoneshould take a flamethrower to those people.

    Oh and road rage is hazardous to one's health. Just a thought.

    ReplyDelete
  2. "May mga bagay akong gusto gawin na ang makakaintindi lang ng rason sa pag-gawa ko ay sarili ko".

    -- Naiintindihan kita jan. Madalas ko din ginagawa mga ganung bagay pero di ko kinikwento-kasi nga, di nila maiintindihan. Nice blog! You captured exactly what some of us feel.

    ReplyDelete

Thank you very much for taking time out to leave a comment on my blog. :)