Matagal ko nang gusto ito isulat. Ilang beses nang nabubuo sa ulo ko ang mga salita, ang mga pangungusap na gustong-gusto ko na isulat. Ngunit 'di ko tinuloy. Tamad? Tamad. Pagod? Pagod. Nagpipigil? Nagpipigil. Oo sa lahat ng mga katanungan.
At simple lang naman ang iniisip ko. Bakit ang daming mga walang konsensya at garapal sa mundo natin? Sige, liitan na natin ang sakop. Ba't ang daming garapal at walang konsensya sa Pilipinas???
Matagal ko na itong iniisip. Marami nang halimbawa. Ngunit kanina lang talaga ako tinamaan ng sipag. Bakit?
Nagsimula ang lahat nung nagpunta kami ni Enzo sa Park Square para bumili ng bag para sa camera ko. (Might I digress a bit? I recently acquired a Canon EOS 66 SLR Camera) Nakabili ako ng isang matinong bag. Tapos nakita ko na mura pa rin ang isa pang bag na gusto ko. Kumuha ako ng pera sa ATM at habang hinihintay kong lumabas ang pera, naalala ko ang sabi ni Enzo. Parang, "Ang dali talagang mawala ng pera sa ating mga kamay". Amen, kapatid. Tignan mo na lang ako.
Ano naman koneksyon ng pagbili ng bag sa garapal? Wala. Doon lang nagsimula ang kuwento. Nung pabalik na kami sa opisina, narinig namin sa AM radio sa loob ng taxi ang usapan tungkol sa isang kongresman na di sinabi ang pangalan. Mahilig daw kumain sa Japanese restaurant sa may Greenhills. Dalawang libo raw isang order ng sushi. Mahilig raw sa sushi at sashimi. Kinakamay pa raw at di kuntento sa chopsticks dahil madulas. Peste. Baboy. Nakakahiya.
Tapos pinaalala pa sa akin ni Enzo na marami raw mga kababayan natin sa probinsya ay kumikita lamang ng P32.00 kada araw. Maraming naghihirap daw tapos siya lalamon sa mamahaling kainan na ginagamit ang perang galing sa atin? Tayo nagbabayad ng pagkain niya, ang mga buwis na binayaran natin ang nagpapakain sa kanya.
Ba't maraming garapal dito? Mga taong di nakokonsensya. Mga taong patay-malisya. Iisipin ang sarili, wala nang pakialam sa iba. Talangka. Bastardo.
Kung akala niyo'y sa mga tangang nagmamaneho lang ang galit ko, kulang pa yon. May mga garapal din. Mga magulang. Mga dupang. Mga sugapa. Gahaman. Hay naku.
Bakit ako 'di ko ito magawa? Ba't ako may konsensya? Alam ko naman na ako ang tama dahil di ako garapal, pero teka. Sabi nga raw sa banal na aklat na pagdating ng Judgement Day ay makukuha rin nila ang nararapat sa kanila. Ang ibig mo sabihin maghihintay pa ako sa pagbalik ng Diyos bago ko makita ang hustisya?
Teka, lugi ako. Ako na 'di garapal. Ako na nag-iisip. Ako na nagsisikap at di umaasenso dahil sa mga garapal. Lugi ako. Oo lugi ako, inggit ako sa kanila dahil wala silang konsensya. Matagal dumating ang karma nila. At yon ang rason kung bakit ako galit. Dapat ngayon pa lang makarma na sila. Di naman tayo sigurado kung may afterlife e. (May I just say that yes, I am a Christian and that I believe in God.) Bakit ang matitinong tao maghihirap tapos sila masarap ang buhay? Nasaan ang hustisya doon?
Kaya di umaasenso ang bansa natin. Maraming garapal tapos yung matitino lumilipat sa mas matinong bansa kung saan mas kaunti ang garapal.
Tama na nga. Masyadong pagewang-gewang na ang pag-iisip ko.
Fuck the government, take the power back.
ReplyDeleteAliw, Gani. Aliw. You write well. And you rant, er, well. Ahaha. Nakakawalang-gana nga manirahan sa bansang ito. Dang.
ReplyDeleteMag-flickr na nga lang tayo. =D