Wednesday, March 28, 2007

Pagbaba sa Bundok

Sa dalawampu't anim na taon na buhay ako marami akong nakilalang mga tao. Iba-iba ang ugali, ang kalagayan sa buhay, ang edad, ang pakikitungo sa kapwa.

Kaya hindi rin nakakapagtaka na ang dami ko ring nakukuhang kaugalian sa kanila.

May mga kaibigan akong babae (himala!) na sinasabi na ako raw ay isang coño. Narinig kasi nila ako dati sa ADMU na nakikipag-usap sa isa kong kaibigan na kaklase ko nung high school. Yung kaibigan ko naman na yon ay mas bihasa sa pagsalita ng wikang inggles. May iba rin naman na mahirap sabihin sa inggles na madali sabihin sa wikang Pilipno di ba?

Natutuwa lang ako na natuto ako makisama sa iba't ibang uri ng tao. Malaking tulong na rin ang paglipat ko sa ADNU (o "AdeNU" sa Naga) dahil dito ako bumaba mula sa aking ivory tower.

Yan kasi ang mahirap sa magagandang paaralan dito sa Maynila. Kalimitan ay nasisilong ang mga mag-aaral nila sa katotohanan na hindi ganon kaganda ang mundo. Oo at meron ngang immersion program ang ADMU, pero ilang araw lang kayong makikitira sa mga kababayan nating "mahirap"?

Apat na taon akong nag-aral sa ADNU. Apat. Ang rehiyon ng Bikol ang pangalawang pinaka-mahirap na rehiyon sa Pilipinas. Yon ang sabi sa akin pagtuntong ko sa Naga. Nung unang dating nga namin ng mga kapwa "Fallen Eagles" ko doon ay nagbiruan kami na ang buong apat na taon namin doon ay immersion program. Little did I know how true those words would be. (O ayan, subukan mo nga sabihin yan sa wikang Pilipino)

Natuto ako makisama sa Naga. Kasi kapag tinuloy mo ang pag-aasta mo na Manileño doon at nagpaka-astig ka, yari ka. Ilang beses ko nang narinig na binabantayan kami doon ng sari-saring mga frat. Mainit sa mata ang mga galing Maynila. Lalo na isang katulad ko na mataba't malaki. Madaling mahanap. Nakatanggap pa nga kami ng "death threat" sa bahay na inuupahan namin ng mga tropa ko. Di nga lang namin alam kung para sa akin yon o para sa pinsan ko.

Sabi kasi ng sulat "Para doon sa matangkad na nakasalamin na malaki ang tummy..." Patay. Parehong-pareho kami ng pinsan ko na matangkad, nakasalamin, at malaki ang tiyan. Bwahaha.

Pero yun nga. Ang laki nang pinagbago ng buhay ko nung napunta ako sa Naga. Namulat ang mata ko sa mga katotohanan na di laging nakikita sa ADMU. Bumaba ako sa bundok at nakibahagi.

Mas mabuting tao na ba ako ngayon dahil doon? Oo.

Ngayon kasi karamihan ng mga nakikita kong mga nagtapos sa batikang paaralan sa Maynila (walang isang paaralan akong babanggitin, pero may isa sa Taft, sa Loyola Heights, at sa Diliman) akala mo kung sino. Mayabang, matigas ang ulo. Akala mo kung sino. Baguhan pa lang parang boss na kung umasta.

Yun lang.

1 comment:

  1. isa sa loyola heights, taft and diliman? hmm... alam ko yun ah... hehe. hayaan mo na mga taong yan, meron talaga mga tao na kung umasta ala sinasanto dahil galing sila sa mga unibersidad na 'to. e karamihan ng mga nandyan ala naman binatbat pag napasabak sa totoong trabaho... MGA GAGO SILA...

    ReplyDelete

Thank you very much for taking time out to leave a comment on my blog. :)