Ang dami talagang mga tanga sa mundo. Hindi ko alam kung dahil ba pinanganak silang tanga, o sinasadya nila maging tanga, o kung ano man. Pero ang dami talagang tanga sa mundo. Ba't ko naman ito biglang nabanggit?
Kaninang tanghalian sa isang fast food restaurant sa The Fort may ale sa kabilang pila na inaway na lang bigla yung kahera porke't nagkamali lang ng pasok ng order sa cash register. Lintik. Parang nilamas mo bigla dede niya sa sobrang galit! Bumanat pa ng inggles. Hanep. Aliw. At hindi lang 'yon.
Dahil nauna ako sa kabilang pila 'di ko na inabot ang katapusan ng sapalaran nila ng kahera. Pero yung kasama ko sa opisina naabutan. Kawawa nga, nakapila kasi sa likod ng ale. Humingi raw ng P8.00 ang kahera para buo na ang isukli sa ale, at sinabi raw ng ale, "Ba't pa kita bibigyan ng pera e sobra-sobra na yang binayad ko?" May pagka-binge rin pala ale.
Pero bwiset ano? Papatulan mo na yung kahera, e alam mo naman na sa mga ganoong klaseng kainan ngayon medyo mahina na talaga serbisyo. Tapos magpapalabas ka pa na ikaw ay mas magaling? Bravo. Sige lang. Tignan natin kung makabanat ka ng ganyan sa hotel. Baka simpleng order ng filet mignon o kaya hors d' ouvres mali pa pagbikas niya. Leche. Palibhasa kayang-kaya niya mga nagtatrabaho sa fast food. Peste.
Nasubukan ko na yung Coffee Jelly Ice Craze. Ayos lang. Mas mura kesa dun sa isa pang nagbebenta ng giniling na yelo. Pero di na uulitin. Sayang pera.
Gusto mo example ng tanga? Basahin mo blog entry ko na Stupid is as stupid does (the series).
ReplyDeleteHehehe...